Quantcast
Channel: kwentong barbero .com » Workplace Wisecracking
Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

Body Smell

$
0
0

Bago ako umalis ng Pinas, pinabaunan ako ni misis ng sando niya na pinagbihisan. Pamahiin na nating mga Pinoy ‘yun para hindi mo ma-miss ang mahal mo. Sabi ko wag na lang sando, kahit panty niya na lang. Kinumbinsi ko pa na ‘Pwede ko lang ibulsa ‘yung panty mo at dala-dala ko kahit magpunta ako sa mall’. Ayaw daw ,‘so dyahe’. Para panty lang. Di naman ako mag-iiskandalo na ilalabas ko sa bulsa ko ‘yun saka sisinghutin sa publikong lugar. Syempre pasimple lang.

Sa huli, ‘yung sando na lang niya ang dinala ko. Sabagay baka maamoy ng sniffing dogs sa airport ‘yung panty niya, akalain amoy marijuana, ma-deport pa ako.

Pero may mga amoy na hindi natin gusto. Tulad ng putok at bumbay. Sige na nga, putok na lang kasi synonym naman ang putok at bumbay. Ang akala ko talaga, hindi mabantot ang bumbay dito sa Melbourne. Maling akala. Nung mga unang linggo ko dito, magaling lang pala talagang mag-ipit ng kili-kili ang mga ‘mapagkunwari’ para di naman ako ma-culture shock at sumigaw ng ‘Tangina pre ano ‘yun? Naamoy nyo yun?’.

‘Yung sumakay ka nga lang ng elevator na may katabi kang bumbay, parusa na. Pano pa ‘yung ikulong ka sa opisina na kalahati ng mga kasama mo bumbay? Para kang nasa tiyangge ng daing araw-araw. Nakakahilo ang amoy. Para na nga akong buntis nito. Araw araw akong tumatakbo sa lababo at naduduwal. Gusto ko na ngang mag-file ng reklamo sa may-ari ng kumpanya at humingi ng danyos perwisyo dahil ‘occupational hazard’ ang amoy. Pero naalala ko, bumbay nga din pala ang nakabili ng kumpanya namin. Fuck my life.

Nagtataka lang ako, hindi ba napapansin ng mga bumbay na mabaho sila. Na pag pumunta sila sa isang lugar, ‘Shyet may nakaapak ba ng tae?’. At kahit lumipat pa sila ulit ng lugar, ‘O andito na naman ‘yung amoy. Bakit kaya lagi akong sinusundan nung amoy na ‘yun?’. O baka nga naman, hindi ka nga ‘in’ bilang bumbay pag di ka na amoy expired na car freshener. Itatakwil ka na ng iyong mga kalahi oras na magpahid ka ng Rexona sa ‘yong kili-kili. ‘Lapastangan! Binabawi ko ang iyong mana at habang buhay kang uutang sa 5-6 tulad ng mga Pinoy na ‘yan’.

Pansin ko lang, may kanya-kanyang distinct na amoy ang bawat lahi. Depende ‘yun kung ano ang palaging kinakain ng lahi mo. Gaya sa opisina namin. ‘Yung bosing naming New Zealander, amoy binurong gatas [keso]. ‘Yung mga intsik sa network team amoy salabat. Pero ‘yung mga Taiwanese sa accounting office, amoy ihi ng babae [semi-mapanghi]. [Baka umiinom sila ng ihi ng babae, teorya ko lang naman,]. At ‘yung mga bumbay amoy pinaghalu-halong amoy ng curry, sibuyas, at pekpek ng prostitute [Di pako nakaamoy, ulit teorya ko lang]. At kaming mga Pinoy dito, syempre amoy ah, eh, pinipig. Booo. Pero totoo naman ‘yun, tayo na yatang mga Pinoy ang isa sa mababango sa mundo dahil wala namang amoy ang kanin saka araw araw pa tayong maligo.

At dahil last paragraph ko na ‘to dahil magba-basketball pa ‘ko, etong question of the day natin. Mag-iwan ng iyong pinaka-gago, henyo, o kahit anong sagot sa tanong na: Anong amoy mo ngayon?

Piktyur 1] Ang almusal ni badoodles. Ayan para pare-pareho na kaming amoy daing.

Twitter Update: Talo na naman kami sa basketbol. Pinag-iisipan kong magpakamatay. Sisinghutin ko ang amoy ng opismeyt kong bumbay.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 10

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan