May pagkadilang anghel talaga ‘tong si Maru. Alaala ko pa nung isang taon ang sabi niya pwedeng pwede akong magsulat sa babasahin. Ngayon nga, naimbitahan ako ni ed Alex ng Psicom Publishing na magsulat para sa unang labas ng kanilang Nosebleed humor Magazine. Ibang klase ka Maru. Delikado yang ganyang dila, nagkakatotoo ang sinasabi. Buti naman at hindi ka napapamura sakin pag natutuwa ka: ‘Puke ka talaga Badoodles, Puke Ka!’, malamang isa na akong walking pekpek ngayon.
Itong Nosebleed Magazine ang sinasabing kauna-unahang interactive humor magasin ng Pinas. Di ko alam kung pano naging interactive, baka pag binuklat mo may lalabas na diwatang walo ang nipol at sasayawan ka ng ‘Igiling Mo’ ni Willie Revillame. Pumunta ako nung ‘soft launch’ ng magasin sa SMX. Sa mga pumunta, kung may nakita kayong nakasando ng puti, mas makapal ang buhok sa kanang kilikili kaysa sa kaliwa at may paekis na band-aid sa utong, oo ako ‘yun. Kung di tayo nagkita, sayang, hindi pa panahon na magkrus ang landas natin.
Tingin ko unti-unti nang nagkakaroon ng katuparan ang mga pangarap ko sa buhay. Nung nakaraang buwan sinama naman ako ng BebeKo sa Luneta Park. Oo, kanya kanyang trip ‘to sa buhay, walang pakialaman. Pers taym kong makapunta sa Luneta Park. Matagal ko nang gustong pumunta dito pero laging busy sa trabaho. Gusto ko kasing makakita ng mga taong grasa na nagho-holding hands while walking sa publikong lugar, mga taong salat sa pera pero puno ng pagmamahal at kalibugan para sa isa’t isa.
At dahil matino ang buhos ng grasya sa akin ngayong taong ito, gusto kong maging mabait sa mga taong nakakasalamuha ko. Sakay na ako ng jeep papuntang Makati nang may humabol na sumakay na babaeng basang basa ang katawan. Di ko alam kung basang pawis, basa dahil kaliligo lang o basang kagagaling sa pakikipagtalik at nahuli ng kanyang tunay na asawa kaya tumalon sa ikalawang palapag ng condominium nila at tumakas at ngayon nga ay pasakay ng jeep. Lahat nakatingin sa tsik. Naalala ko ‘yung homily ng pari nung nakaraang Linggo. Ang sabi, ‘pag nabigyan ka ng pagkakataong tumulong, wag magdalawang isip, tumulong ka’. Kaya pasimple kong tinanggal ang tissue paper ng baon kong egg sandwich at iniabot sa kanya. ‘Miss, pamunas’. Inabot ng tsik ang tissue at pinangpunas sa basang katawan. Nangamoy itlog at mayonnaise sa loob ng dyip. Sa ganitong pagkakataon, napapaisip tuloy ako kung pano ako huhusgahan ng Diyos sa ginawa ko.
Pagdating sa opis, wala akong ginawa kundi magkape at mangarap ng gising. Heto pa ang mga simpleng kahilingan na naglalaro sa isip ko ngayon:
-
Sana laging healthy ang Mommy ko. Matanda na kasi kaya ‘yung kalusugan nya ang inaalala ko. Nagpaparinig nga sa kin, sabi, ‘Anak umuuga na ang pustiso ko’. Dahil malayo pa ang sweldo, sinabi ko na lang na, ‘Guni-guni mo lang ‘yan Ma. Normal lang ‘yan. Masyado mo lang nararamdaman ang pag-ikot ng mundo. The earth revolves around da sun, ya know.’
-
Sana maayos ang pagtrato ng mga anghel sa tatay ko sa langit. Mainipin pa naman ‘yun. Mamya biglang bumaba ‘yun dito sa lupa at kulitin ako kung ano na ang itsura ni Tetchie Agbayani. Mainis ako baka i-arm lock ko pa siya. [Tatay, ina-arm lock lang? Hehe]
-
Sana matutong magdeodorant ‘yung mga bumbay na kasabayan kong mag-gym. Kasarapan akong magbuhat ng bloke-blokeng bakal tapos biglang dadaan sa harap ko. ‘Yung amoy, ibang klase, talagang gumuguhit sa lalamunan ko. What the fuck fuck fuck.
-
Sana kumapal ang buhok ko sa kaliwang kili-kili tulad nung sa kanang kili-kili. Kasalukuyang bilang ko nasa sampung hibla pa lang sa kaliwa sila laban sa mahigit tatlong daan sa kanan. May sumusulpot na pang-labing isang buhok, kinakausap ko nga na parang halaman baka sakaling humaba at yumabong.
-
Gusto kong regaluhan ng tsiks ‘yung ninong kong nagpakatandang binata na dahil tinakasan ng kanyang kasintahan nung araw ng kasal nila. Inaalala ko baka pag hindi ‘yun nakatikim ng pekpek magbago ang kanyang ‘preference’.
-
Sana magcut down sa presyo ng kape ang mga may-ari ng Starbucks. Hindi ko nga maisip kung nakakatulog sila ng mahimbing sa presyo ng kanilang kape.
-
Sana makapunta ako sa susunod na WordCamp. Hindi ako nakapunta nung nakaraan matapos ang ilang ulit kong pangungulit mabigyan ng ‘camper pass’ ng mga organizers. Mainit ang pakiramdam ni BebeKo nung araw na ‘yun kaya hindi ako natuloy. Nasa tabi lang niya ako at naghihintay na sabihin niya saking, ‘Badoodles, am I too hot for you?’. Oye oye. Hehe. Oo antaas ng lagnat mo BebeKo.
-
Ikaw, anong mga pinagpapantasyahan at kahilingan mo?
Parapol Update2: Magbibigay ang Psicom Publishing [sabi ni Ed Alex Cruz] ng tatlong Nosebleed Magazine [eckshuli apat, ninenok ko ung isa]. Demmet, sige na nga apat na magazine na ipaparapol ko. Simple lang mechanics, punta kayo dito sa Nosebleed Forum, magsignup, tapos balik kayo dito sa kwentongbarbero.com at iwan sa commentbox ang inyong username nung nagsignup kayo sa Nosebleed Forum. Ibeberipika ko kung nagsignup nga kayo at ang apat na mananalo ay i-aannounce sa October 15, 2008. Ayos?
